Hep. Hep. Hep. It was an HONEST MISTAKE... ang makalimutan kong may klase pala ako. hahaha. yep. tipong parang hindi ata ako ito. well... TWICE THIS SEM... hmmm..
1. HOUSE. Dahil kay Dr. House, nawili talaga ako sa kakapanood. Actually, namove yung 2pm class ko to 1pm, eh nakalimutan ko talaga. 1pm na eh maliligo palang ako, so paglabas ko ng banyo, may nagtext: "BRU, ASAN KA NA? NAGSTART NA ANG KLASE."
WWWHHAAAAAATTTTTT!!!!!!! iyon na ata ang pinakamabilis na bihis ko sa tanang buhay ko... eh walastik, sa CPAF pa ang klase ko.. grabe. eh mega get-up pa ako nun, I mean, ung damit na suot ko eh sobrang kikay, walastik, wa poise talaga kasi tinakbo ko mula grove hanggang sa may physci para lang maabutan ko ung jeep... toink 1!
2. MALLING. Honest mistake ulit ito. May Saturday class ako, eh nakalimutan ko ulit. Actually, Monday ko na naalala na may pasok nga.. hahaha (wala pa ako sa menopausal syndrome nito ha... ). So dahil nakalimutan ko, sumabak ako sa Manila ng Friday night. Nagplano kami ng kapatid ko na mag-mall ng Saturday. So megabonding... eto na ang pinakamalala.. super duper manhid ako kasi tinext pa ako ng kaklase ko tungkol sa gagawin naming libro, eh nasa klase pala siya nun. Toink 2!
WAAAHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!! ANYWAY, AT LEAST, NASUBUKAN KO NA RIN MAG-ABSENT NA HINDI LANG AKO NAKAKULONG SA BAHAY, KUNDI GUMAGALA... naka, wag lang to mabasa ng nanay ko, or else... Toink 3!