Monday, March 17, 2008

UWIAN NA!!!!!!!!!!!!!!

After almost three months, SA WAKAS!!!!!!!!! Uuwi na ako bukas... Pamanila muna ako mamayang gabi pagkatapos ng ang aking CED 252 na klase.. kakaloka talaga... anyway, mukhang keri ko naman magbyahe ng gabi.. (yayks!)... Grabe talaga ung mga nakalipas na araw.. as in ratratan. Last week eh talagang late na nga ako umuuwi, 11 pm, ang pinakalate eh 1 am na, basta the day bago un gaming campaign... nakakapagod sobra...


After the campaign, nagklase pa kami... buti alang at may pagkain, ewan ko ba, mukhang doon ako bumabawi sa kulang kong tulog... siyempre may mga in between talaga... tipong “oo nga noh, may deadline pa akong papel” or di kaya’y, “hala, ung script para sa avp,” etc, etc, etc... minsan talaga, kapag kasagsagan ng trabaho, hindi mo na naiisip ung ibang requirements sa ibang subject. Sabi nga ni Lynette eh “Lou, BS 208, major in DevCom yan,” hahahaha. True... pero at least, tapos na!!!!!!!!! Ika nga, walang saya kung walang hirap... siyempre, hindi maiiwasan ang problema, talagang ganun, pero kanya kanyang diskarte kung paano hindi masira ang araw... hahahaha.... mukhang naging hustler na rin ako dito sa departamentong ito eh... ngork! Hindi nga, seriously, laging “think positive”....


Pati Linggo, as in may community planning pa kaming ginawa. So mantakin ninyo, 8 am larga na, tapos haul at linis ng mga panel boards for the exhibit, tapos by 130 pm, larga nanaman sa Brgy. Lalakay para sa aming CED 252 na community planning activity, by 4 pm, balik ulit UP para ituloy ung sa DevC 208... musta mga friends? Hahahaha... winner. May mga oras nga na kapag umuuwi ako kasi medyo malayo layo pa ung lalakarin ko, eh tipong isang hakbang talaga eh di na keri... May mga araw talaga na nagrereklamo na rin mga paa ko...


Tapos bago pa ung campaign naming, eh di mega groceries ng kape, juice, etc... ganyan... walastik, naka apat kaming ikot ng groceries dahil sa tatlo, walang paper cups!!!!!!!!!! Hahahaha... windang talaga ako noon. Sumakit ng todo ang ulo ko at ikaw ba naman pumasok sa de aircon na lugar tapos paglabas mo “vuuuuusssssssshhhhh!!!!!!!!!” kainit!!!!!!!!!! Alam kong walang binatbat ang init ng LB sa NE pero ang point is MAINIT PA RIN.. heheheh...ü


Hay.. kakatuwa.. xempre, looking forward naman kami ngayon sa aming SEM ENDER... can’t wait!!!!!!!!!!!!!!! San kaya kami?ü


Hay.. o xa mga friends, ienjoy niyo bakasyon ninyo ha? Ako ren, susubukan kong magenjoy kahit isang araw na pahinga lang kasi may finals pa... at dami pang papel...ü

Thursday, March 13, 2008

SA WAKAS...

NATAPOS RIN ANG AMING CAMPAIGN!!!!!!!!!!!! grabe... xenxa na mga friends at talagang VERY BUSY ang lola niyo... actually mga madaling araw na aketch nakakatulog...

Nung wednesday night eh mga 1 am na ako nakarating ng bahay... Monday night eh mga 11 pm... whew! nung monday, takot na takot talaga ako... actually, naglong cut ako kasi kung dun sa my short cut, may madilim na part dun, eh tinakot ako noon sabi un nga may mga nanghoholdap at nanghaharass sa gawi doon.. so long cut... grabe talaga... bawat taong makakasalubong ko talagang tinitignan ko.. hahaha. praning na ata ako...

Nakakatuwa nung wednesday kasi as in ngarag talaga to the max... hahaha, hindi na namin alam pinagsasabi namin, pauulit ulit... mabuti na lang at nasa group namin si Fr. Martin, in charge siya sa food supply namin...

so ayan, bawi ako this weekend. pahinga to the max... ü

Thursday, March 6, 2008

BACK TO REALITY...

Habang nasa daan, stopover kami lagi.. hahaha, bili dito, bili doon... kain.. mistake.. lamon pala ang ginawa namin... sabi ni manong “katahimik ninyo kapag busog na kayo...” hahahah... true... anyway, first time kong magstop over sa Bulacan.. hindi ko memorya ung barangay... STOP OVER KAMI DAHIL GUSTO KONG KUMAIN NG BALOT... hahahah. Parang naglilihi eh.. anyway, nakadalawa ako... hehehe... ayan, alas 6 palang dinner na ulit.. hay.. kakasawa talaga sa fast food...

So nang nasa Manila, eh di mega traffic ngayon, nagkataon na sa tapat namin, magjowang naglalambingan habang inuusukan ng mga sasakyan.. walastik!!!!!!!!!!! Anyway, mega comment ako.. hahahaha... alam niyong ginawa ni manong, binaba ung bintana at sumigaw ng “HOY, WAG KAYONG... “ hahahaha... buti alang nag-green light na.. kundi, patay kami... mangutya ba... hahahaha...

Grabe, isang araw na lang ang naiwan para sa akin na intindihin ng todo si Craig... report ako ng Thursday eh... huwah!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Ano vah ito.. mahilig na rin ata ako sa last minute... huhuhu.. di bale, bawi bawi alang...

ANG PAGBABALIK...

Lunes, ang araw ng pagpunta ko sa NE dahil sa isang research work... hay, hindi niyo maiimagine kung paano ko sinimulan ang araw na ito... 4 AM ang alis namin hindi ba? So bago mag alas kwatro, nilabas ko muna ung basura at koleksyon sa araw na ito... wag kayo, nakita kong lumampas ung sundo ko.. walastik! Sa sobrang excitement, lumabas ako... huli na ng malaman kong nalock ang gate (automatic kasi) at guess what, WALA AKONG SUSI!!!!!!!!!!!!!!! Summa cumlaude talaga... sinubukan kong tawagan ung landlady ko sakaling gising na siya at pwede niya akong pagbuksan ng gate...

UNFORTUNATELY, HINDI.. hahaha.. si manong Danny, ung driver, hindi ko fah siya kilala dahil first time nga ganyan, wala pang five minutes eh close na kami dahil tinulugan niya akong MAGOVER THE BAKOD... walastik!!!!!!!!!!!! Nakabihis na ako ng todo to the max tapos.. tapos... anyway, nang makaakyat ako sa poste, mega dasal ako dahil praning talaga nang nasa taas ako... alam niyo un.. ung mga itsura ng mga nabaling paa ang nasa isip ko.. WALASTIK!!!!!!!!!! Todo dasal talaga ako na sana ok lang landing ko... SA AWA NG DIYOS... buo fah den ako... hay...

So mega byahe ganyan... kakaloka talaga.. habang nasa byahe eh mega basa ng sangkatutak dahil walastik na Craig eh hindi ko maintindihan... Thursday eh report pa man din ako... Masaya ang byahe.. hahaha... kami fah ni Cla, mega kwento.. pati si manong eh mega hirit.. hahaha...

So landing ganyan sa PhilRice... mega bisita sa mga kaburks bago larga sa DevCom dahil dun talaga ang sadya namin... anyway, hindi ko na “ielaborate” kung ano ang mga comments ng mga tao sa akin... hahahaha.. baka sabihin niyong nagbubuhat ako ng sariling bangko...

Hay.. nang pumasok ako sa dati kong lungga ay namiss ko talaga ang opisina... as in.. pati ang mga tao doon.. pati... pati... pati... uyyyy.. nagmomoment.. hahaha.. pati CORD, PREC... ganyan... hahahaha... kala niyo kung ano 'no?

Okey naman araw ko.. busy.. parang artista eh noh? Hindi magkandaugaga sa kung ano ang uunahin.. hahaha... anyway, ayos naman, natapos namin ni Cla ang mga dapat gawin.. nakapagtour na rin sa PCC, CLSU,,, tuwa si Cla dahil nakita niya ang PhilRice sa wakas.. hehehe... ako naman, tuwa rin kasi kita ko rin mga babies ko (carebears ko), friends ko, mga kachummy ko... hay kakamiss... ü

Tuesday, March 4, 2008

MOTORSIRKO

Sabado naman.. 208!!!!!!!!!! Ayan, motorcade ng first group sa mini-campaign nila na SAFE MOTOR RIDING... 7AM ang assembly time. So, 6 AM, bangon.. mega bihis.

Nakisama lang kami sa motorcade at MARAMI PA KAMING DAPAT AYUSIN... as in!!!!!!!!! So, mga 9 AM, nagpaalam na kami sa isang group. Mga kaburks ko, gutom, di pa raw breaky, eh di mega kain kami ngayon, early lunch na para sa akin iyon... (how i wish...)

Mega trabaho after, follow up ng venue para sa exhibit, gawa sulat, ayos nga mga proposals... umiba naman ngayon, WORKING LUNCH AT MERIENDA NA ANG DATING MGA FRIENDS AT IMPORTANTE ANG ORAS... as usual, fast food... marami naman kaming natapos... sa sobrang pagod namin,,, 4/6, by 4 PM gustong umuwi dahil INAANTOK... at isa na ako doon.. grabe, hindi pa ako nakakabawi ng tulog mga friends. Di ba kako ang tulog ko dapat 8 hours para refreshed tayo lagi? Mga 6 hours na lang... grabe.. feeling ko pagod pa rin ako kahit bagong gising.. lam niyo un? So paguwi ko, kala ko, makakatulog ako... walastik, ewan ko ba.. nakapaglinis pa ako ng banyo.. HAHAHAHAH.. grabe... anyway, mga 630, bagsak, as in tulog.

Mga 8 PM, gising at kain... ng FRUITS.. uuuuyyyyyy... si loumeng, dieta. hehehe... yep, challenge ito sa atin kaya pagbutihin.. wish ko lang hindi ako maunderweight.. hahahaha... nga pala, 47 na angweight ko... weeeeeeeee!!!!!!!!!!!!!!!! Sa aking mga kaburks, somewhere out there, over the rainbow,,,, kung kaya ko, kaya niyo rin... peace!

FUD TRIP...

So, February 29, Field trip naman ngayon sa Naic Cavite.... SA WAKAS! MAKAKATAPAK NA AKO SA CAVITE!!!!!!!!!!!!!! Actually, bibili ako ng mapa ng Pilipinas at iiekis ko ang mga lugar na napuntahan ko na... oh de vah.. parang the PRINCE AND ME? Heheheh...

Sa Naic kami pumunta para sa DevC 205 class.... Grabe... Akala ko makakapagreview ako sa daan, kung hindi man, makaidlip ng onti kasi nga 530 AM gising na ako... PERO WAG KA... HINDI... hahaha.. wala kaming ginawa kung hindi ang magkuwentuhan at tumawa ng tumawa...

May bloopers pa kami kamo, siyempre lahat kami hindi familiar sa ruta kung saan ang Shoreline Kabalikat sa Kaunlaran – Community Resource Center. Ang sinabi ay daanan raw namin ung “13”... Eh di mega hanap kami ngayon ng numero... WALA... tapos biglang ung 13 pala na iyan eh TRESE MARTIRES... HAHAHAHAHA... grabe.... tawanan to the max... sobra! Sabi ni Nina, “AYAN KASI, WESTERN ANG PAGKAKAINTINDI,” hahahaha...

So ayun, as in.. ang ganda ng concept nila ng COMMUNITY DEVELOPMENT... Super duper effective ang Participatory approach.. at wag ka, SALAMAT KAY WEBER... hindi ko akalain na ung theory niya na RELIGION AND DEVELOPMENT eh nangyayari pala... SA PILIPINAS... oh de vah... MABUHAY SI WEBER...

Super duper galing ung concept nila... funded sila actually ng WORLD VISION... So after nung discussion, ipinasyal kami sa hanging bridge... ang kwento nila is may isang foreigner raw na gusto lang niyang maranasan ang tumawid sa bridge na iyon.. pero wag ka, nakaupo raw xa na naglalakad... (basta, iimagine niyo na lang un)... so mega punta.. walastik, nung makita ko, kako “AH KAYA,,,, “

So nauna si Lynette, sumunod ako... wala pa akong 10 hakbang... parang gusto ko ng umurong at talagang gumagalaw ung bridge, kahoy talaga, tapos gumegewang pa... grabe.. as in biglang tumaas ung dugo ko sa ulo... huwahhhhhhh... NAGSISISGAW AKO NG “LYNETTE!!!!”... wala na akong sinabi kung hindi Lynette... hahaha.. face your fears raw pero wag ka,,, sa ulo ni Lynette ako nakatingin dahil talagang maloloka ako kapag tumingin ako sa kung saan pa... eto ka, hindi ko sinasadya na may dumaan na matanda nang mapasigaw ako ulet... HAHAHAHA.. WINNER... as in.. nairita sa akin.. hahaha.. ah basta.. HINDI AKO NAKASIGAW SA SPACE SHUTTLE NUNG NASA EK AKO, NGAYON KO NA ILALABAS.. hahaha.. grabe... at least 4/11 ang nakapagcross ng bridge.. hahaha.... oh de vah... winner...

Nasa gitna ako nung mapalingon ako,,, hahaha, ung mga kasama namin eh natitilian rin. Masaya ang field trip na ito kasi wala kaming ginawa kung hindi ang kumain.. mali, LUMAMON.. hahaha... So balik LB na pero ako, grabe, on the go pa rin sa IRRI pagkababang-pagkababa... kasi nga inaayos ko ung trip ko to PhilRice ng Monday... hay, kakaloka...

KAPAG IKAW NGA NAMAN ANG NAWINDANG

Xenxa na friends. Busy talaga aketch... So nung February 28, nakaplano na magbabasa ng mga readings... Tipong hinanda ko na ang aking sarili na pigain ko ang utak ko sakaling mga out-of-this-world nanaman na mga bagay bagay ang mabasa ko... 8 AM, may nagtext, sabi “hindi kami makakasama sa field work today, pasabi naman po sa iba. Thanks!”... Eh di mega text ako ngayon kay Ate Mavic kung tungkol saan iyon... WALASTIK!!!!!!!!!!!!! MAY FIELD WORK NGA, 9 AM ANG MEETING TIME...


huwah!!!!!!!!!!! Akala ko, next week pa iyon!


Mega bangon ako ngayon... as in... ligo agad... kung kalian naman kasarap matulog hanggang 9 AM eh... anyway, ayan, so nakabihis na ako ganyan... sa sobrang kawindangan... nakalimutan kong banlawan ung aking buhok!!!!!!!!!!!! May conditioner fah! Grabe na talaga ito! To the nth level na ng kawindangan ito... hahahaha.. nakakaloka pala kapag na rarattle ka...
So field work kami ganyan, para sa CED 252 na subject ko, Planning and Administration of Community Development. Pinuntahan namin ung sa Barangay Dampalit, grabe pala ung kwento nila nung Bagyong Milenyo.


BUNDOK NA UN HA! Sa Upper Dampalit kami pumunta... grabe... hindi ko maimagine talaga kung paano un.... BUMAHA SA BUNDOK... parang... basta! Un na un..
So nakapagschedule na kami ng meeting namin with the community... Abangan ang susunod na kabanata...


Tapos, nang pauwi kami kako gusto kong kumain ng Jolibee kasi tagal ko ng hindi kumakain ng spag... Ilang buwan na rin na hindi ako kumakain nun. Eh biglang may friend in town... hehehe, ayun, sinamahan ko siyang maglunch... In short, naligtas ang aking mga tiyan against junk food.. heheheh