Thursday, March 6, 2008

ANG PAGBABALIK...

Lunes, ang araw ng pagpunta ko sa NE dahil sa isang research work... hay, hindi niyo maiimagine kung paano ko sinimulan ang araw na ito... 4 AM ang alis namin hindi ba? So bago mag alas kwatro, nilabas ko muna ung basura at koleksyon sa araw na ito... wag kayo, nakita kong lumampas ung sundo ko.. walastik! Sa sobrang excitement, lumabas ako... huli na ng malaman kong nalock ang gate (automatic kasi) at guess what, WALA AKONG SUSI!!!!!!!!!!!!!!! Summa cumlaude talaga... sinubukan kong tawagan ung landlady ko sakaling gising na siya at pwede niya akong pagbuksan ng gate...

UNFORTUNATELY, HINDI.. hahaha.. si manong Danny, ung driver, hindi ko fah siya kilala dahil first time nga ganyan, wala pang five minutes eh close na kami dahil tinulugan niya akong MAGOVER THE BAKOD... walastik!!!!!!!!!!!! Nakabihis na ako ng todo to the max tapos.. tapos... anyway, nang makaakyat ako sa poste, mega dasal ako dahil praning talaga nang nasa taas ako... alam niyo un.. ung mga itsura ng mga nabaling paa ang nasa isip ko.. WALASTIK!!!!!!!!!! Todo dasal talaga ako na sana ok lang landing ko... SA AWA NG DIYOS... buo fah den ako... hay...

So mega byahe ganyan... kakaloka talaga.. habang nasa byahe eh mega basa ng sangkatutak dahil walastik na Craig eh hindi ko maintindihan... Thursday eh report pa man din ako... Masaya ang byahe.. hahaha... kami fah ni Cla, mega kwento.. pati si manong eh mega hirit.. hahaha...

So landing ganyan sa PhilRice... mega bisita sa mga kaburks bago larga sa DevCom dahil dun talaga ang sadya namin... anyway, hindi ko na “ielaborate” kung ano ang mga comments ng mga tao sa akin... hahahaha.. baka sabihin niyong nagbubuhat ako ng sariling bangko...

Hay.. nang pumasok ako sa dati kong lungga ay namiss ko talaga ang opisina... as in.. pati ang mga tao doon.. pati... pati... pati... uyyyy.. nagmomoment.. hahaha.. pati CORD, PREC... ganyan... hahahaha... kala niyo kung ano 'no?

Okey naman araw ko.. busy.. parang artista eh noh? Hindi magkandaugaga sa kung ano ang uunahin.. hahaha... anyway, ayos naman, natapos namin ni Cla ang mga dapat gawin.. nakapagtour na rin sa PCC, CLSU,,, tuwa si Cla dahil nakita niya ang PhilRice sa wakas.. hehehe... ako naman, tuwa rin kasi kita ko rin mga babies ko (carebears ko), friends ko, mga kachummy ko... hay kakamiss... ΓΌ

No comments: