Friday, August 8, 2008

SA GABING MADILIM...

May klase sana ako kahapon, 2PM, kaso may emergency prof ko kaya sa bahay ako nagmukmuk... Yep, alam ko, magagalit nanaman kayo sa kaartehan ko... "hindi ba't sabi namin sa iyo ate lou na wag kang magmukmuk diyan, lumabas ka!"... i know. i know. kaso may papel akong dapat tapusin (yep, pagbigyan niyo na ako. palusot un...) hehehe...

So bandang 630 PM, ayun, napilit ko rin sarili kong umalis ng bahay para mabawasan ang kadramahan sa buhay ko. Punta ako kina ate Rona kasi iuuwi sa Bicol ang cute kong inaanak na si Ar-R.... Andun ang mga kumare kong sina Jaja ang ate Jen kaya medyo nadivert naman ang aking attention... Dinner, kwentuhan... moment ko, moment nila, moment naming lahat... hahahaha....

Nang pauwi na eh, sabi ni Jaja "Kaya natin to Lou! tira-tira!" LOL!... anyway, so soloista nanaman ako.. so habang pauwi.. ayan na, kita ko ang langit... at abot ang dasal ko na sana wala akong makitang eroplano kasi oras na makakita ako... malamang... malamang... basta! un na un! Mabuti naman at wala...

Nakakalungkot lang isipin na ang mga bagay na gusto mong gawin... kinakamuhian mo na... masaklap di ba? Alam kong weird pero excited talaga ako noon makakita ng eroplano... kaso ngayon, wala na... hindi na... ayaw ko na...

So ang next naman ngayon eh ano? Barko? pwede pa, at least medyo malayo layo ako sa dagat! hahaha!

No comments: