Monday, June 29, 2009
RANDOM STUFF...
1. Pabalik ako sa Manila galing Nueva Ecija noong Biyernes. As usual, inabot kami ng dinner sa NLEX. So Chowking ang pinili ko... So mega pila ganyan. Ung mga sumunod sa akin, noong una, akala ko mga Koreano kasi nga iba ung lengwahe. So deadma. Habang nasa pila, aba, umubo, eh feel na feel pa ng hair particles ko sa batok ang kanyang ubo... (anak ng tinola naman... eh praning pa man din ako ngayon dahil sa A H1N1 virus na yan)... kairita di ba? So deadma. Tapos na akong magbigay ng order ko... so sila naman...
"Uhm, isang order ng lauriat tsaka, BURGER..."
With all my glamour and poise, hahahah! gusto kong lingunin at sabihing "heller? mukha bang jollibee or mcdo ito?" LOL...
So, swabe akong lumingon (kunwari hindi sila ang tinitignan ko)! Ayun, mga pinay pala at iba ang ayos... so may hinala na ako kung ano sila... nang matapos akong kumain, paglabas ko... ayun nga.. tama hinala ko... may mga kaupo silang apat na hapon... =p
2. TRANSFORMERS 2! Alam niyo namang hayok ako sa sine di ba? So kasama ko si L and A na nanood (actually, take two na nila... kung hindi ba naman sila adik... )... So silence.. ganyan, simula na ang sine...
Katabi ko si A at ang katabi ni A ay mag-ina.. kakasimula pa lang ng sine eh humirit na ang nanay: "Si Optimus Prime yan oh"... sa isip-isip ko "nyah! eh hindi siya yan ah!"... eh etong si A, nairita,,, katabi lang niya eh... so sabi niya "Could you lower your voice a little bit...".. So tumahimik...
Pero wait, there's more... nagsalita ulit ung nanay, palingon pa lang si A ng remasbak ang nanay kay A... "Do you mind? I'm talking to my daughter here. Malakas ang sounds eh kaya hindi niya ako marinig..." hindi ko alam kung ilang decibels un pero
rinig iyon, five seats away... hahahaha... ako naman (sa isip-isip ko) "heller? nasa sinehan ka, what do you expect? talagang malakas ang soundz noh!". Mano lang bang mag-whisper with wings siya, di ba?
So, dahil mabait si A, lumipat na lang siya... ako din, lumipat kasi hindi ko matake na ung left ear ko eh naiistorbo... at ung right ear ko.. hindi.. lol!
3. MJ... a lot of posers got out from their shell the moment they knew that the king of pop died... Nasa odyssey kami ni A at L... namimili ng dvds nang makita nila na may isang namimili na panay MJ albums ang hawak... i mean, heller? parang nagpapanic buying ata ang mga tao ngayon...
anyway, moving on... so sabi ni L "hay naku, mga poser talaga oo..." kako, "oh, bakit naman?"... "Ate, kung fan ka na ni MJ noon pa, aba dapat may collection ka na ng album niya noh... hindi ung alam mong namatay eh ayan at nagbibibili ka..."... may point nga... =p
Thursday, June 18, 2009
ANG UMAGAW SA AKING UPUAN...
So boarding ganyan, pasok. As usual, excited ako (kahit ubod ang reklamo ko na mahirap ang magbyahe ng magisa). Aba! At nang makita ko ang aking upuan. MAY NAKAUPO NA... So sabi ko "that's my seat, my seat number is 35 K", sumagot ang lalaki "ah, yes, see it's K..." sabay turo sa letrang nakatapat sa kanyang ulo... aba... alam ko .. un nga di ba? K? in short, UPUAN KO YAN... so, dahil mabait ako at ayaw ko ng gulo (dahil nakakasira ng ganda), hinayaan ko siya... so goodbye window seat...
Pero, wait, there's more. I just don't get this "stealing" but also free "annoyance"... Aba, eh di may arm rest ganyan... so dahil ako'y nagbabasa, gusto kong balanse ang aking libro sa kamay, aba! ang lolo mo ay nilagay din ang kamay sa gitnang arm rest! (sa susunod dapat hiwalay talaga ang mga upuan!)... eh di siyempre, nagkiss ang aming mga siko (like, ewwww....).... so dahil irita na nga ako, eh talaga namang sinasagad ang pasyensya ko... so inalis ko ang kamay ko, aba, inalis rin niya! ABA .... mukhang away ata gusto nito... so hinayaan ko.. then maya-maya, nagsalita siya ng mag-isa.. (hindi ko sure kung kausap niya ung tao sa harap)... so ayan... nasagot ang mga katanungan ko...
Pero wag ka, eto pa... eh di siyempre, 5 oras lang tulog ko... kapag ganun, eh ehem.. lubayan si loumeng... so gusto kong matulog ganyan, as in nakukuha ko na tulog ko, aba! close-open ung window... !!!! kaloka talaga... ever!
Wish ko lang... sana hindi ganito pagbalik ko sa Luzon... sana, gwapo na mabait na friendly ang makakatabi ko...
Tuesday, June 16, 2009
TRAVEL
Masaya ang maglakbay. Ang sumakay sa eroplano. Un nga lang kasi, minsan, ngaragan din, kailangang gumising ng maaga pero ang pinakamasaklap ay ang bumiyahe nang magisa... Wala kang makausap. Pinapatay mo ang oras na nakatunganga ka... Ang mahirap rin kasi minsan kapag nakatanga ka, naprapraning ka rin kasi kung anu-ano ang pwedeng pumasok sa isip mo...
Eh sa may ipod or mp3 naman kaso... mabibingi ka or masisira naman ang tainga mo kung lumagpas ka ng isang oras kakarinig ng kanta.
Eh sa may cellphone, maglaro ka or di kaya magtext? Okey sana kung unli eh kung sa kuripot ako sa load?
Eh sa may libro... eh di magbasa... pwede... un nga lang kasi minsan, ang mga librong gusto kong basahin eh mas malaki pa kaysa sa wallet ko...
Eh kung ung maliit? ah eh.. pwede rin... pero anong libro?
Ganyan ang mga kapraningan ko kung nagbibiyahe ng magisa... Minsan naman gusto kong maging friendly sa seatmate ko... kaso sabi ng tita ko "Don't talk to strangers"... hahahaha... Ah, basta, bahala na nga lang si batman...
Wednesday, June 3, 2009
2-6
As I look at the clock right now, it's barely 35 minutes before it strikes 12... and yep, JUNE 4 sets in...
Unlike my past birthdays, I have something planned for THE BEST DAY EVER IN MY LIFE... but right now... I have no idea... lol! I mean, when I say plan, plan for myself at least.. it's the only day in the year when I just like to be thinking about myself... hehehe.. anyway, so, first, I'll go get myself enrolled for first semester, submit my grades... then... I really don't know.. well, dinner's planned. That's it... ah! maybe find a SIMS installer somewhere...
Turning 26 is quite freaky... I mean 4-5 years before I get erased from the calendar... Now I know what "mid-life crisis means"...
Anyway, there are lots of things I am thankful for...
1. Grace and Mercy.
2. 26 years of breathing.
3. Family.
4. True Friends.
5. Traveling.
6. Shared laughters. Shared tears.
7. New loves...
8. Broken strings... (love the song!)
9. Sanity.
10. Tough stomach.
To complete everything, things that I hope for:
11. Grace and Mercy.
12. Health.
13. Protection.
14. A Canon DigiSLR camera
15. A pair of havaianas (slim, size 5.5)
16. umbrella... (hehehe...)
17. balloons!
18. pizza! (stuff crust)
19. more travel! (hehehe... parang hindi takot sa H1N1 eh)...
20. my own house.
21. my own car.
22. save enough to buy myself a husband... (hahaha, takot maiwan eh.. hahahaha)...
23. enough sleep... (back to my eight hours...)
24. have my own business... (charut.. libre mangarap! walang kokontra!).
25. bonggang birthday bash! (pang-kids ba?)
26. SIMS installer!!!!!!!!!!!!!!!
there you have it... things to thank and hope for...
x-o-x-o!