Thursday, June 18, 2009

ANG UMAGAW SA AKING UPUAN...

So kaninang umaga, maaga akong naihatid ni manong driver. 1015 am ang aking flight pero 630 am ay nakacheck in na ako. Siyempre, gusto ko as usual, window seat... yan ang benepisyong nakukuha ng mga early birds... pero not until today...

So boarding ganyan, pasok. As usual, excited ako (kahit ubod ang reklamo ko na mahirap ang magbyahe ng magisa). Aba! At nang makita ko ang aking upuan. MAY NAKAUPO NA... So sabi ko "that's my seat, my seat number is 35 K", sumagot ang lalaki "ah, yes, see it's K..." sabay turo sa letrang nakatapat sa kanyang ulo... aba... alam ko .. un nga di ba? K? in short, UPUAN KO YAN... so, dahil mabait ako at ayaw ko ng gulo (dahil nakakasira ng ganda), hinayaan ko siya... so goodbye window seat...

Pero, wait, there's more. I just don't get this "stealing" but also free "annoyance"... Aba, eh di may arm rest ganyan... so dahil ako'y nagbabasa, gusto kong balanse ang aking libro sa kamay, aba! ang lolo mo ay nilagay din ang kamay sa gitnang arm rest! (sa susunod dapat hiwalay talaga ang mga upuan!)... eh di siyempre, nagkiss ang aming mga siko (like, ewwww....).... so dahil irita na nga ako, eh talaga namang sinasagad ang pasyensya ko... so inalis ko ang kamay ko, aba, inalis rin niya! ABA .... mukhang away ata gusto nito... so hinayaan ko.. then maya-maya, nagsalita siya ng mag-isa.. (hindi ko sure kung kausap niya ung tao sa harap)... so ayan... nasagot ang mga katanungan ko...

Pero wag ka, eto pa... eh di siyempre, 5 oras lang tulog ko... kapag ganun, eh ehem.. lubayan si loumeng... so gusto kong matulog ganyan, as in nakukuha ko na tulog ko, aba! close-open ung window... !!!! kaloka talaga... ever!

Wish ko lang... sana hindi ganito pagbalik ko sa Luzon... sana, gwapo na mabait na friendly ang makakatabi ko...

No comments: