Sunday, June 1, 2008
2008 WORLD PYROLYMPICS!!!
Yep! I got to watch it with family (Lara, Kuya Myth and Karl) and friends (Abby and Rhea)...
As usual, traffic papunta... then, as usual (ulit) maraming tao... grabe, 7 pm palang as in medyo naka-grumpy mode na ako at I was really starving (not that I have my appetite back, dieta kaya ako.. hahaha...). We decided na kumain na lang sa mga "restaurants with reservations... ek ek" kasi maganda ung seats tsaka makikita ung fireworks. Ung first was like PhP 1,000 per head and we were like, "ehem, let's go somewhere else..." hehehe.. Then, naghanap kami, eh meron ung PhP 550 per head, pinatulan na namin kasi the price and location was good, even the food. Grabe, hindi na ako umupo diretso na akong kumain, buffet siya in fairness, tapos UNLIMITED AT BOTTOMLESS ang pagkain at inumin... hahaha...
So nang nakakain na ako, happy mode na ako.. hehehe... the fireworks, grabe! not even the camera could capture the lights, the moments, the colours, the effects... maganda ung sa KOREA...know why? KASI MAY HEARTS!!! (sarang-heyo...) hahahaha.. grabe, korean trademark na ito... tapos may effect pa na tipong kala mo eh babagsak sa iyo.. sabi ni Lara, "ano ka ba manang, hindi aabot sa iyo yan noh!" hahaha..
Astig ung sa Pinas kasi with musical eklavu xa, sabay talaga yung beat sa fireworks.. sobra, as in namangha talaga kami... oo na, sa iba, may effects ganyan, sa Pilipinas eh, putok dito putok don, pero this time, with musical background... hahahah... as in, MABUHAY ANG PILIPINAS!!!!!!! Mabuhay si Juan dela Cruz!!!!!!
Actually, three years in a row na ginanap dito sa Pilipinas ang World Pyrolympics... alam niyo kung bakit? Sabi nila "para dito mapunta ang polusyon..." nakakatuwa pero kung iisipin mo.. totoo nga noh? tsk tsk tsk...
Anyway, masaya xa... grabe! Next year ulit (kung sa Pilipinas ulit) ...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment