Maginarte muna tayo saglit. Time out muna sa mga happy-go-lucky na mga bagay-bagay...
MAHIRAP MAGING SHOCK ABSORBER... yeah I know, I know, kahit magreklamo ako ng buong araw dito, sa bandang huli, kasama rin ito sa "wala kang magagawa"... Minsan, akala mo tigapakinig ka lang, pero sa huli pala, kasama ka na rin sa mga nasasaktan. Akala mo sa una, problema lang niya, nakikinig ka pero sa bandang huli, hindi mo namamalayan, pati ikaw eh parte na rin ng problema niya... Problema niya eh problema mo na rin... Hindi mo ring maiwasan magalit sa sitwasyon, nagagalit ka na rin minsan kasi galit na rin siya. Galit ka na hindi mo mawari kung may karapatan kang magalit, eh sa shock absorber ka nga eh de vah? Labo noh?
Sabi nga ng kaibigan ko "Sa amin, ako ang shock absorber, nagrereklamo rin ako minsan, kaso may point rin ung sinabi ni ____, WALANG PAGBABALINGAN KUNDI TAYO.... " Yeah... ika nga "in a relationship, you both have to share the same burden..." Oo nga naman, kanino nga naman sila babaling? Kanino nga rin naman ako babaling?
Un lang...
No comments:
Post a Comment