Tuesday, February 12, 2008

FEB FAIR – Day 1

First day ko sa Feb Fair today. Bukas, may kadate ulit ako. Tapos sa Valentines, may kadate DAPAT… Hehehe…

Okey, so before ako magkwento, nagbasa ulit ako ng libro. 700+ na pages. Paradise by Judith McNaught. Oo, gusto ko pakaromantic ngayon. Bawal ang hihirit.

Share ko lang, striking eh, sabi ni Matt Farrell sa nobela eh, YOU CAN’T LIVE YOUR LIFE TO SUIT OTHER PEOPLE. THE HARDER YOU TRY, THE MORE RESTRICTIONS THEY’LL PUT ON YOU JUST FOR THE FUN OF SEEING YOU JUMP THROUGH THEIR HOOPS. Winner!

Last, YOU CAN’T OUTWIT FATE BY TRYING TO STAND ON THE SIDELINES AND PLACE LITTLE SIDE BETS ABOUT THE OUTCOME OF LIFE. EITHER YOU WADE IN AND RISK EVERYTHING TO PLAY THE GAME, OR YOU DON’T PLAY AT ALL. AND IF YOU DON’T PLAY. YOU CAN’T WIN. Astig!

Xa, tama na ang kakornihan. Proceed na tayo.

So nagmeet kami ni Aiza Cerrina (bawal kong banggitin apelyido baka raw stalk niyo sa friendster hehehe). Sang ang palayaw niya sa amin. Kabarkada ko siya nung highschool. We’ve been friends since 2nd year highschool, so basically, isang decada na kaming magkaibigan. Kalog rin ito. Super. Wala kang gagawin kundi ang tumawa kapag kasama mo siya. O ayan, maganda siya, habulin ng lalaki, hahaha (peace Sang!).

Anyway, so nagkita kami today, (it’s actually 11:31 PM, Feb 12 08 as I write this). Ang unang sabi eh “LIKA NA MENG, KAIN NA TAYO.” Eh alas singko palang. Actually, hindi ako naglunch kasi tinapos ko ung book.. hehehe. So kumain ako ng mga bandang 330 PM. So medyo busog pa ako ganyan, so nung mangaya xa, parang… “ah, sige…”

So ayun, kwentuhan about her day, about my day. So, ang una naming pinapak eh KWEK KWEK. Grabe, hindi ko naubos… hahaha, sabi niya eh “MENG, ANO KA BA, HINDI YAN CHOLESTEROL, ARINA YAN OH, HANGIN!” hahaha… So nung matapos kami, lakad, hala, nakakita nanaman siya ng food. PROVEN. Sabi ko, “ANO YAN?” Siyempre, first time ko eh… hahaha… “BASTA, MANOK YAN,” eh di nang tikman ko, MAALAT. PARANG BINABAD SA PATIS. Hahaha… sabi ko, “SANG, KAININ MO NA YAN…” aba, hindi ako tinantanan, “ANO KA BA MENG, MASARAP TO, AYAN… KAIN KA PA…” NO choice. Eh di kain. Eh nakakita kami ng booth.. HENNA TATOO.. Pasok agad ako.. MAGPAPATATOO AKO NGAYON at iyon nga, LUMABAS AKONG MAY TATOO SA KAMAY… Sabi ni Sang “MENG, SA NOO KAYA PARA MAIBA NAMAN” hahaha… Gusto ko sana ung broken hearted na figure pero malamang pathetic iyon eh tagal naming mamili ng picture, hala, basta “ITO,” nyah! Ngayon, habang nagtatype ako, hindi ko alam ang itsura. Hahaha, basta, abstract!

After, bumili nanaman siya ng FISH BALL AT SQUID BALL… hahaha, winner talaga. So after noon, upo naman kami ngayon sa grass! AH SA WAKAS, NAKAUPO NA RIN AKO SA FREEDOM PARK…. WUHOOOOOOOOO!!!!!!!!!!!!! Sorry ha, weakness ko talaga ang mga FIRST TIMES eh… So mega kwentuhan, tawanan. Tapos nagmoment kami sabi ko “PARANG HIGHSCHOOL PA RIN TAYO NOH?” sagot niya, “OO NGA MENG EH, PARANG WALANG UMIBA KAHIT MATAGAL TAYONG HINDI NAGKITA.” Tapos yun, mega kwentuhan. Tapos, biglang tayo “BIBILI AKO NG COTTON CANDY”, eh di papak nanaman.. hahaha. Grabe. So ayun, moment dito, moment doon. Moment niya, moment ko… hahaha.

Sarap ng may kausap. Sorry ha, talagang nagmomongha ako ngayon eh… After, tayo kami ngayon, HOT CHOCOLATE NAMAN. Eh di game, nung ganyan, ask niya “MENG, ANONG GUSTO MO? CHEESE DOG?”, “Sige” Kako, AKALA KO ON STICK! WALASTICK! MAY TINAPAY!!!!!!!!!! Argh… busog na talaga ako… Sabi niya “HINDI PWEDE, KAININ MO YAN,” As in, hindi ko naubos. Ung hotdog na lang pinapak ko at talagang nasa lalamunan ko na ung mga nilamon ko…

So ikot ikot kami, ganyan… saya. Sobra… Ayun.. may nabili naman akong anik anik.. hehehe… Ayun, we still plan to see each other. Kako nga eh “GRABE, DITO PA TAYO SA LB NAGKITA ANO?” Sabay tawa. Actually, nagaaya siyang umuwi kami sa Panagbenga at bonding kami with the rest kaso may klase naman ako ng Saturday… Sad… Anyway, basta… masaya itong araw na to…

1 comment:

Unknown said...

harhar puro naman katakawan ko nakalagay jan!ahehe buti di mo nilagay na paguwi eh diretso sa banyo!nyahaha loveyah meng!move on mare!ahehe