Okey, ang unang text sa araw na ito? TUNGKOL ULIT SA 208… wushhhhhhh!!!!!!!!
So mega meeting kami ngayon, habang naguusap kami, biglang may uuod sa lamesa na hindi namin alam kung san nanggaling. Eh uuod kaya un ng pagkain.. maggot in short.. ayan.. eh di mega tilian. Ayaw nilang kunin.. ako naman, hindi ako nandidiri sa itsura ung dalawang kasama kong girls eh nagsitayuan tapos pumunta sa may bandang pintuan… hahahaha, tawa ako ng tawa… anyway, si Father Martin (pari from Indonesia) nakatayo lang.. eh di alangan namang, titigan lang namin ung uuod, buti kung alam niya kung saan ang pintuan di ba? So ayun, kuha ako tissue, kinuha ko siya, binalot sabay pisa gamit ng makapal na notebook…. Pero weird talaga… as in saan nanggaling iyon?
May nalaman ako ngayong araw na ito at hindi ko nagustuhan… ewan ko.. kung kailan naman masaya na ako, there are still things that keep pulling me back… anyway… un na un.. pero keri pa rin…
Eto, kabobonding lang naming ni Toni, ang aking nagiisang friendship, yep. 1:54:11 ang time nang pindutin ko ang end button… so almost two hours din kami nagusap.. wush!!!!!!!!!!!!! Ayun, kwentuhan, tawanan, kamustahan… dati rati iba ang mood ng paguusap namin, ngayon eh ibang-iba from the previous… and it feels really good…
Pagmomoment na ito… Si Toni, friend ko na siya since first year college, pareho kami ng major, rummie ko siya nung nagintern kami sa Bontoc, pareho kaming nagwork sa PhilRice sabay rummie ko ulit siya, kitchenmate ko siya, seatmate kapag umuwi ng Baguio… Alam niya lahat ng topak ko, ng baho ko, ng problema ko… alam niya kapag moody ako, kapag bwisit, kapag irita, kapag galit, kapag pagod, kapag nasasaktan… she’s more than a friend to me. She is my family actually (un lang, different set of parents).. hehehe.. So nung tumawag siya, may isang part na nagmoment kami sabi niya “iba pa rin ang bonding natin friendship kahit malayo tayo noh?” kako naman, “nothing has changed between us. Not even distance friendship. See, even when I read your emails I know your mood,” sagot niya “Oo nga, ikaw, alam ko rin kung galit ka at kung kailan na lumalaki ang ilong mo…” hehehe… Our friendship had its ups and downs… it wasn’t perfect, BUT IT WAS REAL. So real that beyond my misgivings and my selfishness, our friendship surprisingly grows more and more everyday.
I told her, I’ve focused my life to someone for the past three years that I forgot, somehow, of her existence in my life, and I told her, “bumabawi na ako”, hahaha. Sabay tawa siya.. A friend even told me “I understand, it’s never too late…” kaya ayan, bawi to the max…
Ako kasi ung taong kailangan kong ipaalala kung gaano kaimportante ang isang bagay o ang isang tao sa akin. Kanina eh nagusap kami ni Kuya Jaimz, he told me that he discussed with a friend about death and it’s a fact that people cannot do away. Kako, “Yes kuya, that’s why if you have the chance to say I love you, do it, kasi hindi mo talaga alam kung kailan ka kukunin,”
This may sound corny but it’s just so reassuring when you say “I love you” after ending a call or ending a conversation through text… guess what? At my age, I’ve never failed to say it especially to people who matter to me… ü
No comments:
Post a Comment