How? Hindi ako lumabas ng apartment ngayong araw na ito. Utang ko sa sarili ko itong araw na ito dahil, pagod na ako. Literal! As in!
Natapos ko ang 438 pages na nobela ni Judith McNaught, UNTIL YOU. Yeah, si loumeng, nagmomoment. Hayaan niyo na ako. Sapilitang magbasa ng English ngayon at medy nauubusan na rin ako ng mga salita.
Ayan, I pampered myself by just laying down the whole day! May kasamang dieta na rin iyan! Kung di lang ako tinatamad, magshoshopping na talaga ako at ako’y medyo natutungaw na.
Well, hmmmm.... ano ba ang pwede kong ikwento?
Ah! Pumunta ako sa Sta. Cruz last week, sa provincial capitol para sa mini-campaign namin. Bale ung mini-campaign namin eh PUMAPEL KA! WAG KANG PLASTIC! DevC 208 subject namin – Communication and Social Marketing. So may mga nakausap kami. Ayos kasi action agad! Sa isang araw eh may sumagot na sa aming tarpaulins, posters, tv ads, radio plugs. At least nabawasan whew! Medyo kinakabahan na nga kami at mid February na eh dito plang kami, pero hay, KAYA TO! From 9 am – 3 pm. Sumakit talaga ulo ko nung hapon. Hay... Anyway, at least nakapunta na rin ako dun. Alam ko na rin ang pa Liliw at pa San Pablo. Kapag tinopak, yan, mageexcursion ako diyan. Bahala na si batman kung sino kasama ko... hehehe.
Actually, kumakain talaga ng oras ung DevC 208, sa dami ng gagawin, maooverwhelm ka talaga to the point na gusto mo nang magdrop. Pero sabi ko nga sa mga kaibigan ko, we’re half through na, kaya, tapusin na namin, total, patapos naman na ang sem. Whew! Kaya, TOGETHER WE STAND pa rin kami. Tsaka ibang level na rin ang closeness namin kaya, GO GO GO!
Kahapon nga pala pumunta ako sa church nina Kuya Jaime. Ganda nung place, resort kasi, sa Royal Palm sa Puypoy. Siyempre, nakaskirt ang lola niyo, eh gusto kong umakyat dun sa may hanging bridge, hindi ako pinayagan kasi nga, nakafalda... pero babalik ako dun. Promise! Sisiguraduhin kong makakatawid din ako!
Ayos din ung preaching, tawa nga kami ng tawa ni Kuya Jaime kasi SAPOL talaga sa amin! Straight to the heart! Hahaha. Pagkatapos nga nung preaching eh, sabi namin, “Wala na tayong dugo,” Hehehehe.
Kumain na rin ako sa BAT CAVE! Sa wakas! Dinadaanan ko lang siya for past two months pero kahapon lang ako kumain dun. Sarap ng letsong kawali! Hehehe... Sarap nung balat!!!!!!!!!!!
Till sa susunod na entry, ask ko nga lang, ano ba tama sa mini-campaign namin, Wag kang plastiC or plastiK?
No comments:
Post a Comment