Sunday, February 17, 2008

FEB FAIR – LAST DAY

Siyempre, naenjoy ko ulit ang aking DevC 205... Paolo Fraire and the theory of dualism. Ako at si Lynette (aking klasmeyt) ay nagconclude na ang Friday’s eh “NOODLE DAY”... vhaket? Kasi, laging ang pagkain eh walang kamatayang pansit, at minsan naman, carbonara o di kaya’y palabok... ayan... so kapag Friday’s talaga... it’s the “N DAY”...


After class, punta IRRI.. hahaha, hindi ako nagpakita for four days, wala lang, busibusihan...


Then by 630 pm, nasa IH na ako at kitakits nga kami nina Ate Glen at Kuya Jaime... yeah, napagusapan namin na bonding moment namin ang araw na ito... Eh, si Kuya Jaimz eh talagang gutom na so nagdesisyon na kaming kumain ng wala si Ate Glen at talagang kapag nagsalita si Kuya Jaime ng “GUTOM NA AKO LOU,” un na un... so mega punta kami ngayon.. eh gusto inihaw, eh di game... Walastik, nilanghap na ata ng mga damit namin ang usok!!!!!!!!! Sobra... hahaha, tawa nga kami ng tawa, though gusto pa naming magusap, talagang sapilitang tayo na at tsk tsk tsk! Sa amoy namin, pano kami makakahanap ng apple-of-our-eyes? De vah?


So mega ikot ikot. Actually, kako bili sana ako ng mga anik anik kasi kapag ganitong last day eh mura na, eh pambihira, un pa rin ang price... mag didivisoria na lang siguro ako.. hehehe...


Eh di, ang 730 pm namin na usapan eh 830 pm na at WALANG PARKINGAN!!!!!!! Yan, grabe... eh si Ate Glen eh sa may malapit pa raw ng LBDH nagpark... so mega antay pa kami at traffic raw..


Eto, may winner, may isang studyante na nagconfess ng “ANG BABAENG PONG ITO ANG AKING PINAKMAMAHAL,” oh di vah taray, eh bago yan, kinantahan niya at binigyan ng rosas... sa stage ha,,, Ah, wala, nilayasan namin ni Kuya Jaime... har3! Eh di habang naglalakad, biglang bumalandra si Zyrus!!!!!!!! Hahaha... as in, wag kayo, sa super excitement ko, hindi ko napigilang yakapin siya... hahaha.. mabuti na lang at hindi siya nagtitili dun sa gitna.. anyway, ayun, sabi gutom siya, kumain muna siya...


Then, ayun, mega balik kami ngayon sa pwesto, eh nakita naming dun ung friend ni kuya Jaime, eh di mega chikka, tapos nakiupo sa mat nila... hahaha.. sarap ng feeling... then ayun, kita kita na kami nina ate Glenda, tapos dumating na rin si Zyrus... as usual, tawanan, kantiyawan, balaurahan at kung anu-ano pa... hahaha...


May Star in Carillion (tama vah spelling?) den, astig ung mga contestants... hahaha,,, as in sigawan talaga kapag may bumibirit... ewan ko ba, talagang kapag singing contest malakas ang vibes ko sa mananalo... confirmed yan nang sabihing kong “Si Jerome ang mananalo,” nanalo nga.. he3!


Eto ang winner sabi nung emcee eh “AH, UNG SASAKYANG MAY PLATE NUMBER PO NG *&^%$# PWEDE HO BANG PAKILIPAT YUNG KOTSE NIYO DAHIL ANDYAN NA PO ANG SUGARFREE...” oh, di vah taray...


Eh di, ako naman, anticipating, ganyan.. akala ko perform naman sila ng mga 10 pm ganyan, wala pa din, as in! May mga bandang nagperform pero grabe, at... hmmmm... no comment... hehehe.. So nagkape kami, tapos by 11 pm, umuwi na rin kami ni ate Glenda...


Hay, kung wala lang akong klase ng 8 am kinabukasan talagang matutulog talaga ako sa gitna ng field eh... alam niyo un.. ah basta, next next sem, walang Saturday class para maenjoy ko ng todo....


Enjoy naman ang gabi ko kahit ilang oras lang nakabonding ang mga oldies.. har3 (peace!)... at least feel ko...

No comments: