Thursday, February 28, 2008

MY LONG WEEKEND

Saturday… walang kamatayang 208 as usual… akala naming matatapos kami by 2 pm dahil nga marami pa kaming dapat gawin… Unfortunately, and as expected, mga 4 pm na kami natapos… after nun, larga ako Manila dahil miss ko na rin kafatid ko…

As usual, ang kasiyahan lang naman ng mga little sisters ko (kasi tuwing pumupunta ako sa bahay ni Lara eh lahat tawag sa akin eh ate) is mega watch ng movies.. THE HOLIDAY, TRISTAN AND ISOLDE, BREACH meron pa ung isa, BRING IT ON something something… basta ung meron si Riannah (tama ba spelling?)… RECOMMENDATION KO: THE HOLIDAY… super as in! the best ito… to the nth level!

Moving on, nung Sunday, kako, shopping kami at talagang, change wardrobe na talaga mga friends, as in wala ng silbi ung balakang ko.. so mega ikot ganyan. Dati natraumatize ako sa megamall, ngayon, hindi na.. hehehe… so pasok ngayon sa store,,, nung una kako, ung size 29, aba! Maluwag pa rin, so size 28 naman, SAKTO… grabe, nagtatalon ako sa loob ng fitting room kasi as in super saya ko, pati si Lara eh tuwang tuwa.. actually, naiinggit, sabi nga niya minsan, “Ate, pano ba magpapayat?” kako, “Gusto mo bang magpapayat?” Tango siyang ganyan, kako, WAG NA, MAHIRAP ANG MASTRESS.. he3! So un, basta, pumayat ako. PERIOD..

Nakakatuwa talaga kapatid ko kasi kahit 23 years old na siya, kapag kami magkatabi sa higaan, lagi pa rin niya akong niyayakap… kahit nung mga bata pa kami talagang mahilig siyang yumakap… dati, ayaw na ayaw kong niyayayakap ako kasi hindi ko talaga feel… Kaya nung mega akap siya for two nights, hinayaan ko lang… hay.. kung kailan matanda na ako… (tama bang umamin?) hehehe…

Monday, ayun, gawa ng tatlong kapapelan… tapos nuod nuod, kain kain…

Eto the best, Tuesday. Lumarga ako pabalik LB ng mga 630 am… aba, lumampas ung HM bus.. haish!!!!!!!!!!!! So mega antay ako ngayon ng sunod.. walastik, PUNO!!!!!!!!! STANDING OVATION PA… hahaha.. kako, “enjoy ito,,,,” alam niyo naman ako, mahilig sa first time.. ayun, mula Boni hanggang Calamba, nakatayo ako… kahit gusto kong matulog o ipikit man mata ko, hindi pwede, mahirap na kapag nagpreno ng todo.. hehehe… so ayun… masayang experience ang tumayo sa bus… heheheh… sorry ha, first time talaga eh…

No comments: