Wednesday, February 20, 2008

ASWANG

Yep. Ibang level talaga ang DevC 208 at hindi ko alam hanggang kailan ko siya magiging topic dito sa aking blog... kahapon, nagedit kami ng letters sabay bind pa namin ang sponsorship proposal. At guess what?! Sa 2nd floor kami nagayos KFC... though dalawa lang kami ni Pam, dun talaga kami sa 2nd floor dahil talagang madugo... actually, off limits ang 2nd floor kapag marami pang upuan sa first floor, pasaway eh noh? tsaka minsan, nakakaligtaan na rin kumain sa sobrang dami ng trabaho kaya sa KFC kami nagpunta (gamitan na ito.. har3!)... Aswang itong subject na ito, sinsipsip talaga lahat ng dugo namin. Kahit nga buhok ko dinudugo na sa DAMI ng gagawin... to think na may tatlo pa akong subjects maliban dito... huwahhhh!

Haish, PAGOD AKO... ewan ko, hyper na din siguro. Masaya ako masyado kahapon, ewan ko ba kung bakit... hmmmm... as in, dati, hate ko ang mga love songs, ngayon walastik, nakakanta ko na sila (maliban sa isa)... har3! Sa sobrang kasiyahan na rin nagpakain pa ako sa office... weird...

Tapos... eh di pagod ako di ba, eh alam niyo namang lahat na favorite hobby ko ang matulog. So by 1214 am higa na ako... usually, mga less than 2 mins, as in all the way na ako to la la land... kaso, iba kagabi.. as in! Hindi ko maexplain. Magfefeeling ako: sa mga nagiisip sa akin, pls, wag niyo naman akong isipin kapag disoras ng gabi ha? (har3! Hanep sa kafeelingan!) Eh di as in gusto ko ng matulog pero wala pa rin, time check: 145 am na! HAISH!!!!!!!!!!!!! Wala naman akong iniisip na talagang worth pagisipan disoras ng gabi tapos to think na umuulan pa eh sana kasarap matulog... Siguro mga 2 am na ako nakatulog... so mga 830 am ako nagising. As expected, hindi ako kontento... dahil usually 8 hours dapat ang tulog ko... BATA PA AKO KAYA 8 hours pa din ang tulog ko... walang kokontra!

Eto katatapos ko ulit ayusin ung mga proposals dahil sangkaterba ito, mga 50 lang naman, ayos noh? Tapos ipapadala pa namin through JRS... ayan, butas ang bulsa.. hay...

So habang nagaayos ako ng gamit, nakita ko ang mga cards, notes, photos.. may pagkasentimental ako pero mukhang am growing out of it na... Binasa ko ulit, for the last time before I bid them farewell... except for one, I am keeping the poem (as if tao noh? Hehehe...) Medyo kakaiba... unlike before that they had meaning... they were just empty words to me now... Alam kong they don’t belong to the trash since they were once a part of me, but then, holding on to them means something else. It’s time to move on fellas!

SA WAKAS! This is a good feeling right? NOTHINGNESS... I don’t know if it’s a forced feeling but I think I’ll settle that it’s the truth. Ano? Ready na ba tayo friends? Are we ready to conquer the male population? Hehehehe...

2 comments:

LEONEL PAET AGUINALDO said...
This comment has been removed by a blog administrator.
LEONEL PAET AGUINALDO said...

mali pala na-post ko, dapat:

Learn to let go of the things YOU love the most (dapat)