Wednesday, February 6, 2008

BUHAY SA LB

Masaya. Maraming tao. Maraming papa. Hahaha! Sa wakas. Mahirap ang magmongha sa IRRI ladies’ dormitory. Wag niyong pangarapin na manirahan doon.

Sa mga nagtretraining sa IRRI, kapag andun kayo, nasa Training Center lang ako. You can check your emails doon. Hehehe. Room 123.

Friends. Marami na. Aside from my professors and my classmates who are my friends na rin andyan si Lauro, siya ung kasama ko nung pumunta me sa PRRI last December tapos si Joey at si Ate Pam -sila pa ung mga kaburks ko from IRRI.

Now, the most exciting part. One time, Kuya Al Benavente and Lauro with other “guy friends” (I just hope my relatives ain’t reading this entry), yep, guy friends, mag-isa kong dilag, invited me sa KAMBINGAN. At first akala ko, kainan siya ganyan, only to find out na INUMAN SIYA. As in hard core na inuman. Tables here and there, men here and there. Present si beer at sigarilyo.

Honestly nashock ako siyempre, FIRST TIME BA NAMAN. Tapos magisa kong girlalu. Pero carry lang. So dinala kami sa may likuran. Panalo talaga, simple siyang open space tapos may mga chairs and tables den pero wag ka, katabi mo mga manok na panabong... Start imagining. Mabuti na lang at malamig panahon noon. Bawal maarte. Hehehe! Honestly, I was enjoying the whole time.

The best part. ANG PINAPAITAN! Grabe! SARAP TO THE MAX. As in. Minsan kapag andito kayo, punta tayo doon. Hahaha. Nangaya ba. The coolest part din is I was surrounded by men. Sarap silang kakwentuhan. Iba sila magisip, sobra! Ha3!

Ayaw kong isiping tibo ako.. yuckness! No way! Kasi naman, kapag may makita silang girl, turo tapos tingin siyempre, akong sabit, titingin din, kako nga eh baka matibo talaga ako. Pero hindi pwede, maraming iiyak. Hahaha!

Isa pa, THURSDAY NIGHT IS GIMIK NIGHT. Inaya ako ni superman – si Lau. Dapat punta kami sa San Pablo kasi may artista daw dun. Ayun, si Maureen Lardizabal. Hahahaa! Gosh! Kailan ba ako naging fan ng mga pinoy na artista.. whew! Anyway, like nila. So mega meet ganyan for dinner. Eh naudlot ang plano, so punta kami sa bahay ni EJ (tiga IRRI). Grabe, guess what time ako umuwi? TWO AM. Uwi ba yan ng matinong babae? Hahaha! Eh to think na may klase ako kinabukasan. Grabe. Winner. Malamang kung nasa Baguio ako, naku! Kahit 24 na ako, patay ako! Hahaha!

Masaya. I mean living alone. Iyo ang oras mo. Tapos lunch and dinner with friends. Un lang. I don’t eat breakfast na. Malungkot kumain magisa. Kaya wag na kayong magtaka kung payat ako. Hahaha. Naku wag lang sana bumalik sa 26 inches ang waist line ko kasi everything will follow, from head to toe. Sayang ang investment. Hirap ang change wardrobe. Pero mukhang malapit lapit na ako diyan. Tsk tsk tsk, gastos nanaman ito. Hay, ung iba kong mga pants, lawlaw na. Ung favorite kong shorts na green, wala na, kumakapit na sa malaki kong balakang! Hehehe. Okey na to, maintain na lang natin. Di pa nga lang ako nagpapatimbang. Saka na, kapag confident na ako. Hahaha!

The other week, nagkasakit ako. Trankaso. Thursday un. Come Saturday, hindi pa rin okey, grabe, as in nilalagnat ako, pinilit kong bumiyahe paManila kaya kita niyo naman, nawala ako sa mapa ng ilang araw. Bawal talaga magkasakit dito. As in, maslalo na kapag wala kang kasama kahit sa bahay man lang... paano ka iinom ng gamot? Kakain?

Nagdala pa talaga ako ng mga damit ko kasi kapag lumala talaga, paconfine na din. Eh hustler ung kapatid ko, mantakin ba naman na painumin ako ng 1000mg ng Vit. C????????!!!!!!!!!!!!!!!! Grabe, hirap talaga. Siyempre, naiwan ako sa bahay kasi nga megawork sis ko, hirap bumangon at magluto ng food.

Ha nang mabinat basta malibang ako, hirap kaya ng nakatunganga lang. So nood ng DVD, basa libro. Nakatapos ako ng isang libro. Nobela nga lang. Ala-CSI. Bad bad bad! Dami pang readings na dapat basahin tapos nobela pa uunahin ko? Hehehehe...

Ah, si Kuya Jaime, may binigay na libro. Read ko raw, nasa page 11 pa lang me. Hehehe.
LOVE IN THE TIME OF CHOLERA by Garbriel Garcia Marquez. Share ko lang ung synopsis. Ganda eh.

In their youth, Florentina Ariza and Fermina Daza fall passionately in love. When Fermina eventually chooses to marry a wealthy, well-born doctor, Florentino is devastated, but he is a romantic. As he rises in his business career he whiles away the years in 622 affairs – yet he reserves his heart for Fermina. Her husband dies at last, and Florentino purposefully attends the funeral. Fifty-one years, nine months, and four days after he first declared his love for Fermina, he will do so again.

Ayan, babasahin ko then tell ko kung ganda. Pero maganda to, nakikinita ko na. Parang Korean den. Uy, talking about Korean, good girl muna ako. WALA akong pinanood na k-drama mula nung start sem... YUHOO!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

O siya, till bukas ulet. 12:17 AM na... mwahz!

1 comment:

Jaja said...

welcome to elbi loumeng! hehehe! naku.. start na yan.. enjoy mo lang. alm ko naman kaya mong balansehin acads at gimik eh...:)