Sa mga nagcomment, natutuwa naman ako... sige, go go go lang para masaya...
Uhm, oo naman, 'di ko talaga siya ibibigay sa ama niya, kahit makarating kami sa korte, talo siya kasi kapag below 7 years old (tama ba ito?) sasama talaga sa ina (parang anak talaga ang turing eh)... Tsaka, ako lang naman ata ang magmamahal kay JR eh (gusto ko ngang ipa CHANGE NAME eh kasi kapag binabanggit ko name niya, naalala ko ang ama...) tipong WALANG KAPALIT... hahahaha.... Iniisip ba siya? Hmmmm.. hindi ko alam... malamang hindi.. kasi ang batiin man lang siya sa birthday niya, hindi niya nagawa... ü
Oo nga eh, dapat pinadry clean ko siya para masaya... sige, one time. NYAH! Hindi kaya mahal, kalaki pa man din niya... hahaha, isang taong alikabok? Tama... hahaha... ipapadry clean na natin siya the soonest...ü
Re: Photo novel… oo naman, gamitin natin.. hahaha, para sossy, pero mukhang tayong mga konyo ang makakaintindi noon eh… tipong, “bili tayo ng photo novel,” sabay, “ano iyon?”, COMICS… hahaha… baka taasan tayo ng kilay… di kaya?
Back to earth na tayo. It’s 1034 pm, Tuesday. Umuulan ngayon... Ilang araw ko na ring hindi nasisilayan si Mr. Sunshine... Mukhang kukulangin tayo ng Vitamin D... sad....
Anyway, nakatapos nanaman ako ng isang pocketbook, 370+ pages... masama na ito. Tsk tsk tsk... Si Martha, ung anak ni Mrs. Bayer (ang aking landlady) ay mahilig sa pocketbooks. Ayan, so nagpahiram siya ng lima sa akin... one down, four to go.. hahaha.. grabe, ibang level ng kahibangan ito... medyo weird nga lang at OLD ENGLISH talaga... mga “nae, by the by, on morrow” walastik... hay... old na old...
Grabe, sa sobrang kabusihan, bibihira na rin ako makasurf sa internet o di kaya ang magonline sa YM. Swerte na ang nakaonline ako ng tatlong oras direstso...
May taping dapat kami for our DevC 208 campaign sa Provincial capitol, kaso, masakit sikmura ko, eh 7 am ang alis,, hindi ako natuloy.. sad... pero anyway, marami pa namang chances.. abangan ninyo ung website namin ha...
Anyway, ang klase ko ngayon eh 1-7 pm... gudluck na lang kay batman... dapat four reports ngayon, tatlo lang ang natapos, at suko na talaga kami.. as in... info overload... wahhhhh... Grabe, kahit nasa klase, sumisiksik ang DevC 208... argh!!!!!!!!!!!!!! Text dito, text dun... hay, can’t wait till it’s over... one month na lang (breathe)...
Nga pala, may nag-sit in sa klase kanina,,,, cute ang lolo mo, single.. kaso.... Cambodian... hehehe...
Ah, kahapon.. winner ito. Si manong driver (ng tricycle)... nagbabasa ng pocketbook, hahahaha... si CLAUDIA SANTIAGO (astig! fave ko siya, toink!) ang author... prente pa kamo siyang nakahiga sa motor... naiiling ako na natatawa habang naglalakad. Paging ate lanie, klasmeyt, oh div ah... hindi lang pala tayo ang mahilig sa tagalog pocketbooks... hahahahaha...
Okey, eto na... weird.. bumabalik na ang aking apetite.. hindi kain ang ginagawa ko eh, lamon.. alam niyo un.. as in dati half rice lang, ngayon, as in one rice, ubos... huhuhu... ganito lang siguro talaga kapag may kasamang kumakain noh?... anyway, keri naman siguro.. basta balansehin na lang natin kunwari... ganito ba ang single? Walastik, kalakas ko sa load eh... tsk tsk tsk... meron nung minsan, P300 for 3 days!!!!!!!!!! Gosh... hay...
Anyway, pabura na ang tattoo ko... kaso pumapangit na ang itsura... sad .... buti nalang nakikiayon ang panahon at pwede ko pa siyang itago... hahaha.. kung hindi ba naman ako tungaw at magpatattoo para lang itago.. mahirap na kasing masermonan ulit.. hahahaha... tatlong pari pa man din kaklase ko kanina..... hehehe...
3 comments:
hindi ko natapos iyong ibang posts mo na binura. nandun pa lang ako sa kanuary posts mo.
bakit biglang nawala?
anyway. baka may long term effect kung di mo papalinis si JR. dapat conscious ka sa kanya.
ah,,, uhm... alam ko namang wala akong obligasyon sa iba na iexplain bakit ko nilagay ang mga bagay bagay na iyon sa blog ko... actually, outlet ko nga eh, kaso ang may nagsabing "too much" raw ung ginawa ko, though, opinion niya iyon. ang opinyon ko ay hindi naman "too much," kaya inalis ko para matahimik na sila.
alam mo un, people tend to misinterpret you actions when in fact you have only one purpose, to let it out.. hay.. anyway, like mo pa bang basahin? hehehehe....
Re: si JR, ano ung long term effect? hmmmm.. naintriga naman ako,,,
Post a Comment