Monday, October 20, 2008

MS. CAMBODIA

Thearith, Phirun, Vibol, Daream, Lou Franz, and Sothea
Ikaw na ang sumama sa mga tiga-Cambodia... M.A.S.A.Y.A.

Anyway, so mega aya sa akin around 10 am, Star City raw kami. So, sige kako... pero hindi lang Star City mga peeps.


Lunch time. Kumain kami sa Seaside restau something sa may Macapagal. Mga 1 kilong sugpo, 3ng malalaking pirasong babaeng alimango, 2ng malalaking kulay orange na isda at 2ng kilong clams na tipong ang binili mo eh ung shell at hindi ung laman... So pinaluto, walastik, WELCOME CHOLESTEROL... Enjoy naman, nawindang lang ako ng onti ng gumawa sila ng sarili nilang sawsawan... uhm, paminta na ubod ng dami, asin at asukal... walastik, ibang level ang sipa, parang wasabe, un nga lang, hindi sa utak ang diretso, sa ilong... pero medyo carry naman pala...


Pagkatapos ng dalawang oras na kainan eh diretso sa MOA. Window shop at nuod ng sine: THE STRANGERS. Huwag niyo ng panoorin dahil magsisisi kayo to the nth level, ipangkain niyo na lang ang pangsine niyo. AS IN!


So after nun, diretso sa Star City. Ikaw na ang pumasok sa tatlong horror ek ek na tunnel ek ek (sorry for the lack of appropriate term), tignan ko lang kung hindi ka mabawasan ng timbang. Daming rides pero hindi ko carry na umulit, nakapunta na ako sa Enchanted Kingdom kaya tama na ang minsan... LOL! So, sila ang nagenjoy sa mga rides. Pero ang winner eh sa SNOW WORLD. hehehe. Enjoy ako to the nth level, dun ko napagtanto na hindi ko kayang manirahan sa mga lugar na may snow. period. un na un.


So slide ganyan, so sabay ako with Sothea, enjoy ako nang biglang nastuck ako sa gitna... hahaha... talaga namang itinulak pa niya ako para maabot ko ung dulo... LOL! Per lane kasi kaya ganun. Pero umulit pa rin nung hindi na per lane eh, ung pwede ang apatan. So sabay ulit kami, aba, walastik, pinauna ako, tapos, nastuck ulit ako... HAHAHAHA! sabi niya "What's wrong with your butt?" hahaha.. siyempre alangan namang sabihin kong "I think it's the pull of gravity?" hahaha... toink!

Fagod ako fero enjoy, mga 1140 pm na ako nakauwi... hay... can't wait ulit..

No comments: