Wednesday, April 9, 2008

YAHOO CONFERENCE...

Ehem.. so parang nawala ako sa mapa ng ilang araw kasi ang dating gawi eh everyday, nakakapagcheck ako ng email, eh ngayon, medyo, hindi.. kaya mega check ganyan, eh online si Friendship, oh di mega CALL aketch via yahoo... hahaha... eh tahimik ung net shop.. so whisper here and there lang ang kaya kong gawin... kahit nga ung DAMANG-DAMA na tawa eh hindi ko magawa kasi nakakahiya naman... anyway,,, deadma,,, hahahaa, nag-ingay ako actually, pero the heck! Kaya nga net shop de vah? Hahaha...

Ewan ko ba, nung araw, kahit walang internet, okz lang.. nabubuhay ang tao, ngayon eh, ako ha, parang walastik! Hindi ako updated sa mga bagay bagay kung hindi ako mag-online.. hahaha...
Moving on... TAPOS NA RIN ANG FINALS SA WAKAS!!!!!!!!!!!!!!! Pero hep hep hep! Sa grad skul, uso ang “the submission of grades will be on April ___, so please submit your other requirements two days before...” oh de vah.. musta naman? Kaya kahit tapos na finals, mega gawa pa rin ng kapapelan... hahaha..

Sa 208, as usual... ano pa nga ba.. siyempre, meetings ulit, gawa ng report ganyan,,, as usual, nasa finance committee ang lola niyo... SALAMAT SA PHILRICE STAFF DORM for the experience... mas madali dyan sa dorm kasi computation at singil lang, dito MASAKLAP.. may analysis pa eh.. hahahaha... 1st attempt ko actually... hahaha....

Sa sobrang kabusy-han ng mga tao.. mas lalo na sa mga klasmeyts kong part-time students lang... as in, naguusap na lang talaga sa chat ng madaling araw kung paano marerepaso ang report... as in.. actually, ngayon nga eh sa chat na rin kami nagusap usap.. hahaha, panalo... paverify dito, paclarify doon... well, ganun talaga... may work din sila... ako eh, humahabol kung ano naman ang latest sa mundo.. hahaha.. ngork! (yeah I know, malamang gusto niyo akong batukan ngayon)... hahahaha...

Siya, salamat sa umimbento ng YAHOO MESSENGER... Mabuhay ka! Hehehe...

No comments: